Possession Obsession
Sean H. Sanchez
language
(, April 26, 2016)
Papaano kung totoo ang Astral Traveling? Lalo pa, kung pu-pwede ka palang mang-possess o mananib ng ibang tao? Ang Kasaysayan ng mga Dreamriders ay istorya ng isang batang babae na tinadhanang maghari ang mga unwinged (mga taong walang kakayanang mag-astral travel) subalit walang kaalam-alam sa kanyang napipintong KAPALARAN. Ni hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng astral traveling o ang Out-of-Body-Experience.Sa eksaktong unang minuto ng kanyang ika-13 na kaarawan, habang natutulog (at nananaginip?), nagulat si Jessie sa kakaibang realidad. Nakabitin siya sa hangin, at masama pa dito, sa silid ni Mike Pierce, ang sikat na basketbolista ng kanilang paaralan at ang kanya ring lifetime crush. Sa pagkakita niya ng hubad na diddib ng lalaki na napakalinaw at mukhang totoong-totoo, hindi siya nakatiis at pinilit niya itong abutin, ngunit kamangha-mangha, wala siyang kamay para abutin siya, para bang wala siya doon, siya ay imbisible.Si Jessie Stevens kung wawariin ay mabuting bata, matalino kahit ba laging naka Goth na kasuotan, miyembro siya ng debate team at laging isa sa nangunguna sa klase. Ang malungkot nga lang, mayroon siyang kakaibang gawi ng pangunguha ng gamit na hindi kanya, lalo na sa mga gamit ng kagalit niya, ito ang paraan niya ng pag-ganti, yuon ang akala niya, hangang ang isa pang nakakatakot na imbisible ay sinabihan siya na ganoon talaga ang inaasahan sa kanya, tadhana niya ang magnakaw. Ang pagnanakaw daw ay konektado sa kanyang paglalayag sa panaginip.At bakit nga ba sunod ng sunod sa kanya ang nakakatakot na imbisible na nilalang? Natatakot si Jessie sa kanya. Sino nga ba ang espirito? Tulad niya rin ba siya o ibang pang espirito o elemento? Sabi pa nito may iba pang tulad niya? At masama pa nga, mga tulad niya ngunit kayang manananib o mang-possess ng katawan ng iba, na tinatawag na Slippers 13.